LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Ginintuang Tanawin

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Napapaisip sa gitna ng kaguluhan
Litong-lito sa pulso ng nararamdaman
‘Di mawari kung ito'y isang panaginip
Tila ang puso ko'y naglalaro sa kalawakan

Sa liwanag ng araw, ika'y nariyan
Magkatabi't sinisilayan ka
‘Di na alam, naguguluhan
Tuwing kasama kita sa

Ginintuang tanawin
Sa ilalim ng langit
Ika'y kapiling ko
Sa pag-ihip ng hangin
Kasabay ng awitin
Ramdam ang palad mo

Sana'y dinggin ang dalangin
Ang aking hangaring
Mahalin mo rin ako
Kulay kahel na langit
Nakitang gumuhit
Sa ganda ng mata mo

Sumisilip ang tinatagong kagustuhan
Makasama ka't manatili sana sa iyong tabi
Umaawit sa kislap ng ‘yong mga ngiti
Hihiling na lang na sana'y
Ako man lang ay iyong tignan

Sa liwanag ng araw, ika'y nariyan
Magkatabi't sinisilayan ka
‘Di na alam, naguguluhan
Tuwing kasama kita sa

Ginintuang tanawin
Sa ilalim ng langit
Ika'y kapiling ko
Sa pag-ihip ng hangin
Kasabay ng awitin
Ramdam ang palad mo

Sana'y dinggin ang dalangin
Ang aking hangaring
Mahalin mo rin ako
Kulay kahel na langit
Nakitang gumuhit
Sa ganda ng mata

Nagtatanong ang aking isipan
Nais mo rin ba akong mahagkan
Hanggang dito na lang ba
Ang ating pagkakaibigan

Ginintuang tanawin
Sa ilalim ng langit
Sana'y malaman mo
Sa pag-ihip ng hangin
Kasabay ng awitin
Ramdam mo ba ako

Sana'y dinggin ang dalangin
Ang aking hangaring
Mahalin mo rin ako
Kulay kahel na langit
Hindi mapipilit
Mabigyan ng pag-ibig mo

WRITERS

Gwynette Saludes, Marc Alfaro

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other