Pagmulat ng mata kasama na kita
Sinasangga ang laban sa'n man tayo mapunta
Sunud-sunuran sa laruan hanggang sa eskwela
'Di na humiwalay tayo na ba ang tinadhana
Nagkagusto man ako sa kanya
Ikaw pa rin ang nais kong makasama
Bawat tingin tono sa tenga'y humihiling
Ewan ko ba ano ba 'tong nadarama
Humahalo sa agos ng pusong takang-taka
Ikaw na ang laman ng musika
Kung lumalim ang damdamin
Natapos na'ng araw ako lang at ikaw
Ganda ng ulap ang damdamin ko'y umaapaw
Nakaupo magkatabi't kasama ang gitara
Nakatingin sa 'yo ramdam ang pusong guminhawa
Kaba sa puso nararamdaman
Ngayon na ba o kailan mo malalamang
Bawat tingin tono sa tenga'y humihiling
Ewan ko ba ano ba 'tong nadarama
Humahalo sa agos ng pusong takang-taka
Ikaw na ang laman ng musika
Ating puso nang malaman ang pag-aming
'Di ko na kayang manatili pa
Huwag mo sa 'king sasabihing tama na
Sana ay hindi ka na nakilala
Naaalala mong nangako ka 'di ba
Ikaw pa rin ang laman ng musika
Hawak-hawak ang iyong kamay
Oh pangako hindi ka bibitawan (hindi ka bibitawan)