Nagtatanong kung bat 'di ko maamin
Nag-aabang lang ng tamang tiyempo
'Wag kang mabigla't magtaka totoo ito
Pakinggan mo ang aking himig
Na sumasalamin sa aking kilig
Wala mang lakas-loob sabihin
Pero ito'y kanta kaya't sasabihin ko na
Dahil ito'y kanta ayan nasabi ko na
Dinadasal sa Diyos na ang hiling ko sana ay dinggin
Na sana'y gusto mo rin ako
Sa 'yo lang naramdaman lahat ng 'to
'Wag ka sanang magtaka 'di ako nagbibiro
Pakinggan mo ang aking himig
Na sumasalamin sa aking kilig
Wala mang lakas-loob sabihin
Pero ito'y kanta kaya't sasabihin ko na
Dahil ito'y kanta ayan nasabi ko na
Pakinggan mo ang aking tinig
Na kinakabahan at nanginginig
Pero may lakas ng loob na sabihin na gusto kita
Ngayon may lakas ng loob sabihin na gusto kita