Hanggang mahanap ko sa ibang dimensyon at mga panahon
Ang 'yong mga ngiti ngayon
Mula sa Siquijor ay handa kong harapin at aking susuungin
Sakay ng aking TAIMASHIN ay hahanapin ko ang umpisa
Mabigay lahat ng mga gusto 'di ba?
'Wag ka nang magtanong kung sa'n pupunta
Sa mga ngiti mo mas gumaganda tanawin ko
Abutin ang langit, lahat ay kakayanin
Maging dagat ay tatakbuhin
Pati na langit ay aakyatin
Hanggang mahanap ko sa ibang dimensyon at mga panahon
Ang 'yong mga ngiti ngayon
Mula sa Siquijor ay handa kong harapin at aking susuungin
Kung mabibigyan lang ng oras at pagkakataon
Muli kong itatama mga nasayang na panahon
'Di malulumbay, kasama kong maglalakbay
Ang ala-ala mong dadalhin ko habambuhay
Kabaong, kasya pa dalawa!
Pa'no ba makapunta sa Nirvana?
Susuyurin ko ang langit at ang kalawakan
Hanggang mahanap ko sa ibang dimensyon at mga panahon
Ang 'yong mga ngiti ngayon
Doon muli kang mamahalin at ikaw pa rin ang pipiliin