Pwede bang mahawakan ang iyong kamay?Ninanais kang isasayaw sa ilalim ng buwan,
Sana naman ay maramdaman na
Mga palihim-lihim na pagtingin—
Kaya 'wag mo na 'kong isantabi;
Hayaan mo na ang pusong mahulog sa 'kin.Hindi alam kung bakit ba
Paikot-ikot ang nadarama.
Kung ba't napaibig sa iyo?
Makita mo lang sana sa aking mga mata
'Yung kagandahan na hindi mabubura.
Maramdaman na lang ang aking pag-ibig.
Ibuhos mo lang ang tinatago mong damdamin.
Kaya 'wag mo na 'kong isantabi
Hayaan mo na ang pusong mahulog sa 'kin.Hindi alam kung bakit ba
Paikot-ikot ang nadarama.
Sabihin na ang totoo na mahal mo ako
(Sabihin na, sabihin na— sabihin na ang totoo.)