Isang liham ang napadpad sa pugad
Dali, dali ay aking ginalugad
Agad bumungad ang mga pangungusap
Na para bang hinatid ako sa ulap
Pa-ra-pa-pa, napapaawit pa
Subalit 'di ka nagbalik ako'y nangawit nang
Napakagat sa manamis-namis na salita
Nagpadala sa timpla, napaniwalang bigla
Buong akala ko, ako ang dahilan ng sigla
Hindi pala todo iwas pa sa bawat tanong
Paano ba tatapusin ang mga
Bagay, bagay na walang panimula?
Palagi-lagi na lamang bang mangangapa?
Nagbabakasakali na merong mapapala
Aking hinihiling ang puso ko'y matuto na
'Pag nangako siya, paghingi ng tawad ang sunod
Ito marahil ang promise sorry note
Nakakapagod ang patuloy na umasa
Kung maaari lang pwede bang ipasa?
Ang nararamdamang hindi mabasa
Sa akala'y nagpasasa kaya
Nagpadala sa timpla, napaniwalang bigla
Buong akala ko, ako ang dahilan ng sigla
Hindi pala umiwas pa sa tanong
Pwede bang sabihin mo kung
Paano ba tatapusin ang mga
Bagay, bagay na walang panimula?
Palagi-lagi na lamang bang mangangapa?
Nagbabakasakali na merong mapapala
Aking hinihiling ang puso ko'y matuto na
'Pag nangako siya, paghingi ng tawad ang sunod
Ito marahil ang promise sorry note
Laban lang nang laban sobrang tapang ko
Maling tao na pala pinaglalaban ko
Bawat guhit nakaukit sa dibdib ay pumupunit
Pinipilit, kahit ang sakit ay paulit-ulit
Ilang pangako ang napako na naglaho
Nais mong maging malinaw ang dati nang malabo
Para bang nagpalamig ka sa gitna ng lahar
Kailangan kita, waze, saan ba 'ko lulugar?
Nalilito, gulong-gulo hanapin ang sarili ko
Sana ay makasalubong ko para masabi ko
Tama na, awat na, puso ko'y pagod na
Hanggang isip at sa kaloob-looban ay durog na
Aking hinihiling ang puso ko'y matuto na
'Pag nangako siya, paghingi ng tawad ang sunod
Paano ba tatapusin ang mga
Bagay, bagay na walang panimula?
Palagi-lagi na lamang bang mangangapa?
Nagbabakasakali na merong mapapala
Aking hinihiling ang puso ko'y matuto na
'Pag nangako siya, paghingi ng tawad ang sunod
Ito marahil ang promise sorry note
Aking hinihiling ang puso ko'y matuto na
'Pag nangako siya, paghingi ng tawad ang sunod
Paulit-ulit na promise sorry note