Kung pupwedeng baliktarin
Ulap ka na sa ‘king tingin
Kulay na sa akin ay naging malabo na
Yung tibok sa dibdib naging kaba
Simula nung nagpakilala ka
May bagyo sa ‘tin na nagbabanta
Umuulan, ulan, ulan, ulan
Kahit na ano pang ‘yong sabihin
Gusto mo ba talaga na malaman
Sige ipakita mo sa ‘kin kung sino ka
Bagay na sana nakita ko nung una pa
Iwan ka ngayon ay akin nang magagawa
Kahit ‘di alam kung sa’n pupunta
Kala ko totoo ‘di ko inisip
Mga pinakita mo puro lang gimik
Bandang huli ako pa ‘tong naipit
Ginulo mo imbis manahimik
Patawad ‘di ko kayang tiisin
Yung tibok sa dibdib naging kaba
Simula nung nagpakilala ka
Sige ipakita mo sa ‘kin kung sino ka
Bagay na sana nakita ko nung una pa
Iwan ka ngayon ay akin nang magagawa
Kahit ‘di alam kung sa’n pupunta
Sige ipakita mo sa ‘kin kung sino ka
Bagay na sana nakita ko nung una pa
Iwan ka ngayon ay akin nang magagawa
Kahit ‘di alam kung sa’n pupunta