Kada hakbang sa lupa'y para akong inaalon
At nalulunod sa batikos ng mundo
Sa kung ano lamang ang kaya ko
Pigang-piga na sa mga problemang 'di masolusyonan agad
Hinahanap ang sarili ngunit 'di na kakayanin
Sa ligaw na dinadaanan ko
Dahan-dahan nating simulan muli ang paghakbang
Dahan-dahang tumingin sa salamin
Upang makita ang ating kagandahan
Dahan-dahang iangat ang mukha
Upang masilayan ang payapang kalangitan
Oo pagod ka na pero 'di ka nag-iisa
Kaya't lumaban ka at sabihing
Kada langhap sa hangin pansin ko na lagi na lang usok
Walang malinis halos puro polusyon
Parang ako raw na konsumisyon
Gulong-gulo ang isip sa'n ba lulugar kapag nagkamali
Huminga ka ng malalim at isipin ng mabuti
Ang mga desisyong ilalaan para sa kinabukasan
Nang makapunta sa paroroonan
Kung dahan-dahan nating simulan muli ang paghakbang (muli ang pag-hakbang)
Dahan-dahang tumingin sa salamin
Upang makita ang ating kagandahan
Dahan-dahang iangat ang mukha
Upang masilayan ang payapang kalangitan
Oo pagod ka na pero 'di ka nag-iisa (di ka nag-iisa)
Kaya't lumaban ka at sabihing
Huwag papalamon sa lungkot
Huwag hahayaang malugmok ang puso mo
Dahan-dahang tanggalin ang maskara
At hayaang tumulo ang bumabadyang mga luha
Dahan-dahang iangat ang mukha
Upang masilayan ang mga taong ika'y pinapahalagahan
Oo pagod ka na pero 'di ka nag-iisa
Kaya't lumaban ka at sabihing