LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Sana

•

2022

Sana

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
‘Di ko inaasahan na biglang makilala ka
At sa unang tingin ko pa lang ako'y nahulog na
‘Di mapigilan ang kilig sa tuwing ika'y ngumingiti
At para bang puso'y titigil ‘pag nakakasama ka

May mga pahiwatig na sa ‘yo ba't ‘di napapansin?
Ilang beses mo na rin akong nahuli na nakatingin
‘Di na ‘ko mapakali dahil ako'y nasasabik
Na maging katotohanan ang dating panaginip lang

Sabihin mo na nang ‘di na kailangan pang
Pilitin ang sarili sa baka sakali
Ayaw kong manatili na lang tayo sa
Sana, sana, sana

Sayang naman kung ‘di natin pagbibigyan
Kung pareho naman ang nararamdaman
Ayaw kong manatili na lang tayo sa
Sana, sana, sana

Saan nga ba dadalhin
Ng lihim na pagtingin, oh,
Ayokong pangunahan ka
Pero ‘di ko rin gustong pinapaasa
Bakit parang ibang sinasabi ng iyong mga mata?

Sabihin mo na nang ‘di na kailangan pang
Pilitin ang sarili sa baka sakali
Ayaw kong manatili na lang tayo sa
Sana, sana, sana

Sayang naman kung ‘di natin pagbibigyan
Kung pareho naman ang nararamdaman
Ayaw kong manatili na lang tayo sa
Sana, sana, sana

Kung una bang aamin?
Meron bang patutunguhan ang damdamin?
Sana, matapos na ang sana
Wala namang ibang hahadlang kung

Sasabihin, ba't ‘di aminin?
Kung sasabihin, ba't ‘di aminin?
Kung sasabihin mo lang

Sabihin mo na dahil ‘di mo kailangan na
Pigilan ang sariling magbakasakali
Ayaw kong manatili na lang tayo sa
Sana, sana, sana

Sayang naman kung ‘di natin pagbibigyan
Kung pareho naman ang nararamdaman
Ayaw kong manatili na lang tayo sa
Sana, sana, sana

Sabihin mo na nang ‘di na kailangan pang
Pilitin ang sarili sa baka sakali
Ayaw kong manatili na lang tayo sa
Sana, sana, sana

Sayang naman kung ‘di natin pagbibigyan
Kung pareho naman ang nararamdaman
Ayaw kong manatili na lang tayo sa
Sana, sana, sana

Kung sasabihin, ba't ‘di aminin?
Kung sasabihin, ba't ‘di aminin?

WRITERS

Aubrey Caraan, Sean Cedro, Jean-Paul Verona

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other

More From This Album

Lyric cover art

Sana

2022

01

Sana

Aubrey Caraan