Sa paggising ko tila himig mo ang bungad ng araw ko
Pagmulat ng mata jusko ‘eto may muta pa ako ugh
Teka ano na nga ba sa'n na ba papunta
Lungkot nang buhay ko'y talagang grabe na
Hanggang saan ba aabot ang panaginip ko
Sa isang babaeng umaalon ang kaniyang buhok
Para bang gusto ko na tumakas talaga (saan)
Sa isang bangungot na binuo ko nang mag-isa
Habang ako'y papatulog na dapat na nang mahimbing
Ako'y napapraning at napapailing
Sa mga bagay na iniisip ko sa tuwing ako'y nababato
Bakit gan'to naninigas ang ulo ko
Tumayo na lang bigla ang aking buhok
Tila ba parang may isang babae na nakatayo sa sulok
At ‘di na makalagaw ang aking nararamdamdam
Na para bang may humahaplos na sa aking mga tiyan (yeah)
Kasabay nito'y hawak ko na
Ang isang mainit na uh isang tasang kape
Bakit gan'to ba pre hindi mapakali
Sa tuwing ako'y nag-iisa wala na akong pake
Para kang bahaghari sa liwanag iyong nadali
Kung hindi ikaw ang pinangako
Mabuti na lang na maging isang pari
Sa kamandag na taglay ay grabe
Walang sinabe mga babae sa karilagan
Kapag dumaan kasalanan ko na naman
Dahil naakit sa pula mo na labi
Sana nakatitig ka sa'kin palag
At sa pagdilat sa umaga tinig mo ang panggising sa'kin `
Na parang pelikula ‘di na kailangan mag-cinema
Sabay boses mo ang nagsisilbi na musika (ey)
Sining sa museo na tanging Diyos lamang ang nagpinta
Nakita kita na parang anghel para sa'kin at hindi sa iba
Ang hirap na magbida ang isa na extra
Sa litrato na ‘di para sa kaniya wala na ‘kong masabi