Tila ba parang kay dilim ng paligid ko ngayon
Pagsubok ay di maitatangging pahirap ng pahirap
Puso't isipa'y puno ng katanungan
Paano ba makakabangong muli?
Alam kong may itinakda para sa kin
Sa dinami daming pinagdaanan
Alam kong luha ko'y hindi nasayang
Habang hinihintay ko'ng aking pangarap
Patuloy lang na maniniwala
Di man maganda ang nangyayari
Patuloy na kakapit kahit maalon
Alam kong may gumagabay sa kin
Sa dinami daming pinagdaanan
Alam kong luha ko'y hindi nasayang
Habang hinihintay ko'ng aking pangarap
Patuloy lang na maniniwala
Sa dinami daming pinagdaanan
Alam kong luha ko'y hindi nasayang
Habang hinihintay ko'ng aking pangarap
Patuloy lang na maniniwala