Makinig ka muna sakin teka muna wait magkasama lang kami pero di ko siya ka date
Sa akin ay ngumiti siya di ko siya kilala ako ay may amnesia kaya di ko maalala
Kung bakit siya kasama bakit narito nagulat nalang ako umupo sa tabi ko
Utak ko ay nalito ang isip ay naligaw kamukha mo kasi siya kaya 'kala ko ikaw
Napagkamalan ko lang kaya sana wag mo nang isipin na ako ay babaero't may ibang
Babae na kirida madaming dyang nakita madami diyang iba pero tanging sayo lang
Kaya sana huwag mo nang kilay mo'y isalubong at bitawan mo na din yang hawak na balisong
Aksidente lang naman kung ba't kami nagkatagpo
Maniwala ka sana at sakin ay wag nang magtampo
Pagod na ang puso ko sa 'yong mga dahilan
Bakit ba ang mga tukso sayo parang kay hirap tanggihan
Lagi kang nahuhuli na may ibang babae
Makinig ka muna at may sasabihin lang ako na ano
Anong palusot na naman iyan
Akalain mo mag kikita tayo sa sinehan
Hayaan mo munang sabihin ko kung sino yan (okay sino siya)
Ah pasyente ko na may tumor (pasyente)
Ay oo nga pala hindi ako doktor eh kasi naman ano
Gusto daw niyang manood naawa naman ako kaya ako sumunod
Sinamahan ko na siya sa dilim kasi duwag yan hawak ko kamay niya eh kasi bulag yan
Dapat alalayan baka madapa yan pero nandiyan ka pala't hindi ko namalayan
Siya'y hinalikan at kaya ko nagawa yan nausog ko siya kaya aking nilawayan
Balak kong punasan kasi nabasa yan hawak ko yung panty niya kala ko basahan
Kusang bumaba at hindi ko binaba yan mga palusot ko lulusot kaya yan
Pagod na ang puso ko sa 'yong mga dahilan
Bakit ba ang mga tukso sayo parang kay hirap tanggihan
Lagi kang nahuhuli na may ibang babae
Makinig ka muna at may sasabihin lang ako na ano
Anong palusot na naman iyan
Ops sandali ang iniisip mo'y mali siya yung kaibigan ko na nagmula pa sa tate
Tinuruan ko mag-dota at baka magkamali sya friends lang kami at wala itong malisya
Oo nga hindi sya ngayon nakadamit eh kasi naman punit at balak nyang magpalit
Ba't galit ka di naman ako kumaliwa
Wag ka munang umalis hayaan mong ipaliwanag ko lahat na ako sayo'y tapat
Nadapa sya patuwad sa harap ko natapat nadikit lang sa balat pero di ko nasalat
Yung pula ko sa leeg ay lamok ang kumagat at hindi pa ba sapat ang mga nairason
Buko juice ay tumapon sa kanyang puson nabasa ang pantalon kaya wala kaming suot
Tama na huling huli ka na eh wag ka nang magpalusot
Teka lang ha makinig ka muna sakin alam mo naman na (ano ano nga)
Ikaw na ang pinaka para sakin lagi bida ka pero bakit ka ganyan sakin lagi duda ka
Kung nakita mong naka-sama ko ay yung iba dito sa damdamin ko ikaw lang nag-iisa
Dahil ako ay tapat at hindi nagsinungaling
Sa ibang babae hindi nahuhumaling at hindi nabaling aking pag tingin
Ako ma'y napailing yun lang ay baka sakaling mapuna nila na hindi na 'ko available
Layo na mga hot chick gf ko ay flammable baka lumiyab eh selosa yang si love
Pag ang galit tumalab ay nagiging si incredible hulk
Bakit ba ang hirap mong pakalmahin anong dapat kong gawin para lang iyong maintindihan
Na sa buhay ko di ka pwedeng tanggalin at tanging mamahalin walang iba ikaw pa rin
Bakit kahit pagod na 'ko sayong mga dahilan
Konting drama mo lang muli na naman kitang pinagbibigyan
Mahal kasi kita kaya sana sinta sakin maging tapat kana hari ng palusot