Ilang taon na rin lumipas dami nang nangyare
Sinubukan ko rin lumikas at baka sakali
Mahahanap ko rin sarili at mapapasabing
Lahat nag bago at di na rin tulad ng dati
Balang araw ay aabutin ang lahat ng dreams
Di na mahahayaan pa na di na mapansin
Aking mga gusto sa buhay ay kakamitin
Yung ako, ako parin. lahat ng to aangkinin
Ilang taon at oras narin nasayang
Sensya ka na, pero di na papatalo
Di na hahayaang managinip pa
Laging dilat mga mata mundo'y ipipinta
Sariling kulay ilapat, di na mag iiba
Dating panaginip lang inabot ko, pano to
Di na hahayaan pa na mabigo, alam ko
Sa sarili ko kakayanin to
Kahit gaano kalayo tingin ay di na malabo
Woah alam mo ba san na punta
Diretsyo lang para di masaktan ang damdamin
Di na hahayaan pa matulad sa iyo
Alam aking halaga, lilipad palayo
Di na ko mangangamba abutin ang dulo
Kasama mga tropa lilibutin aming mundo
Hanggang dun na lang ba talaga?
Di na hahayaang managinip pa
Laging dilat mga mata mundo'y ipipinta
Sariling kulay ilapat, di na mag iiba
Dating panaginip lang inabot ko, pano to
Di na hahayaan pa na mabigo, alam ko
Sa sarili ko kakayanin to
Kahit gaano kalayo tingin ay di na malabo
Dating litrato pinunit, hindi na ako to
Buong libro di lang pahina ang binago ko
Hindi na magiging storya ng pagkakabigo
Aangkinin ang saakin ito'y pangako ko