Patuloy ang taas nitong mga presyo
Pagdating ng sweldo ay kinakapos din
Maraming babayaran kay sakit isipin
Kahit na ang pagtitipid ang gawin
Hindi rin makaipon laging nabibitin
Baka sakaling mabigyan ka ng umento
Kay bagsik bagsik ng yung mahal mong amo
Laging nakasimangot mainit ang ulo
Pagnahuli kang naglalakwatsa
Patay kang 'bata ka tanggal ka sa trabaho
Patay kang 'bata ka tanggal ka sa trabaho
Walang katapusan itong ating trabaho
Kung minsan kahit linggo nagtaratrabaho
Kay hirap hirap ng buhay sa mundo
Nagtitipid-tipid ngunit ikaw kinakapos din
Okay lang basta huwag lang gugutumin
Ang dolyar katorse na ngayon pare ko
Ang palitan sa black-market pabago-bago
Pagdating ng sweldo ay kinakapos din
Maraming babayaran kay sakit isipin
Kahit na anong pagtitipid na gawin
Hindi makaipon laging nabibitin
Baka sakaling mabigyan ng umento
Kay bagsik bagsik ng yung mahal mong amo
Laging nakasimangot mainit ang ulo
Pagnahuli kang ika'y naglalakwatsa
Patay kang bata ka tanggal ka sa trabaho
Patay kang bata ka tanggal ka sa trabaho
Tapos ang iyong ligaya pagwalang trabaho
Kahit na ika'y isang milyonaryo
Kahit pangulo ka kailangang magtrabaho
Ikaw ako tayong lahat kumayod tayo
Patuloy ang taas nitong mga presyo
Patuloy ang taas nitong mga presyo
Patuloy ang taas nitong mga presyo
Patuloy ang taas nitong mga presyo