At itulak ng paa (itulak ng paa)
Matutukoy ba kung dibdib ko
Pangungulilang 'di naman sinadya
Lalong sumilay ang iyong talinghaga
Sana naman ay palaring makadaupang palad ka
At maisayaw sa lilim ng puno ng akasya
Lahat ng aking nabuong pangungusap
Hindi na isusulat ang 'di maipinta
Iba ang nakikita ko sa'yong mata
Bakit pag-ibig ang hatid mo sa tuwina
Minsan pa'y paikutin habang hawak ang kamay
Maglalayag sa ilalim o ngiti mo ang gabay
Ituring mong panaginip walang kontekstong kasabay
Alam ko lang sumapit ang hinihintay
Hawak-hawak mo ang balikat ko
Habang ang kamay ko'y nasa baywang mo
Ay kinang ng iyong mata sa akin
Para bang suntok sa buwan
Kung bukas 'kaw pa rin ay nandiyan
Pagkatapos ng gabi tuluyan mo nang makakalimutan
Kaya naman susulitin bago muling mapag-isa
Uulit-ulitin hanggang sa makabisa
Mga salita'y iipunin at nang mahanap ang tugma't
Hindi mo namalayang tayo ang paksa
Hawak-hawak mo ang balikat ko
Habang ang kamay ko'y nasa baywang mo
Ay kinang ng iyong mata sa akin
Hawak-hawak mo ang balikat ko (mahal iyong damhin ang lamig)
Habang ang kamay ko'y nasa baywang mo (ng hanging 'di na magbabalik)
Sa ilalim ng mga bituin (mahal iyong damhin ang lamig)
Ay kinang ng iyong mata sa akin (ng hanging 'di na magbabalik)