Hindi mo lang alam matagal-tagal na rin
Akong may pagtingin lihim hindi napapansin
Saan kaya ako dadalhin ng aking mga sasabihin sa iyo
Tao ka pa rin naman bakit hindi ka matignan nang matagal
At bakit ganyan pinaglihi ka ba sa buwan
Ilang saglit ay kakalas baka tuluyan kang matunaw
Sa tingin ko sa iyo sinta
Idinaraan na lang sa pagkanta
Para 'di naman masyadong halata
Bawat letra at kumpas ang puso ang bumibigkas

Na idinaraan na lang sa pagkanta
Para 'di naman masyadong halata
Bawat letra at kumpas ang puso ang bumibigkas
Nananatili akong nakatayo
Hindi naninindigan sa nararamdaman
Kasabay ng pagkaubos ng oras
Nagbabakasakaling may mabago sa pagtuturing
Nakikita ko'ng sarili kong nananatiling nakatayo
Sapagkat wala nang karapatang lumapit pa
Hindi mo lang alam minamasdan kita
Hindi mo lang alam minamahal kita
Sa bawat letra at kumpas ang puso ang bumibigkas