LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

iduduyan

•

2024

GX4R52487288

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Minamahal pa rin kita
Kahit na nagtatampo
Ibibigay lahat ng ‘yong naisin
Lambingin mo lang ako

Minamahal pa rin kita
Kahit na malayo ka
Kapag naman ika'y nagkakasakit
Aalagaan kita

O kay sarap giliw ng iniibig ka
Langit ang aking nadarama
Nakatatak sa aking isip
Palaging iduduyan
Natin ang isa't isa

Sa lumbay at sa tuwa
Kita'y naging kasangga
At talikuran man ako ng mundo
Mananatiling nandyan ka

O kay sarap giliw ng iniibig ka
Langit ang aking nadarama
Nakatatak sa aking isip
Palaging iduduyan
Natin ang isa't isa

Kung sumapit ang sandaling
Mawaglit ang tugatog ng ating pag-ibigan
Iyon ay dahil sa lumipas na tayo sa mundong ibabaw
At nakasisiguro akong mapaglilipasan din tayo ng panahon
Nang bukàs at tanggap ang bawat puso't kaluluwa
Ito'y ‘pagkat iduduyan kita sa mga bagay na magbibigay sa'yo ng kaligayahan
At magbibigay sa'yo ng kumpiyansa sa mga bagay na kaya mo palang gawin kapag hindi ka takot
Kapag hindi ka napangungunahan ng lungkot
At kapag hindi ka nag-iisa

Tayo'y maghirap ma't mamuhay nang tiwasay
Sana'y danasin nang nandyan ka
Limot ko na ang mabahala tuwing buhay ay ‘di sagana

Mahalaga ay tiyak na ‘di mawawala
At iingatan natin ang isa't isa

Iduduyan

WRITERS

IAN QUIRUZ

PUBLISHERS

Lyrics © Evolution Media Ltd.

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other

More From This Album

Lyric cover art

iduduyan

2024

01

GX4R52487288

Ian Quiruz

From This Artist