Malamig na ang hangin maganda ang tanawin pero sayo nakatingin
San mo ba 'ko dadalhin san mo ba 'ko dadalhin pero bahala na rin kung saan makarating
Basta kasama ko pa rin ang siyang babae na walang kupas ang dating at
Walang problema kung salitan sa manibela basta wag kang matutulog sa kwento akong bahala
At kung ang ingay ng kalsada ay di mo trip tumingin sa bituin nagniningning doon sa langit
Para satin dahil para satin ang gabi na to isabay sa pagsakay ang tugtugan natin sa isteryo
Sabihin mo sakin ang mga tanong na dahilan kung bat di makatulog sa gabi
'Wag ka mahiya kasi hindi tayo nagmamadali
Masyadong maliwanag ang mga poste sa daan tutal traffic naman hinto na muna sa bilihan
Kung saan makakakain kahit pantawid ika'y aking pagmamasdan
Habang iniisip ko ang mga pwedeng puntahan
Kahit di sigurado kung sa EDSA ay uusad pa ang sasakyan pabayaan dahil ganun talaga
Sana gabi na lang parati pabor pa 'ko dyan ganda mahaba-haba ang oras ngayong gabi
Ngunit mabilis kapag masaya ang laging sabi-sabi pero wala akong pake
Basta ang importante wag kang aalis sa 'king tabi kasi
Ayokong maliwag pag wala na ikaw gusto lagi kita matanaw
At kung pag dating sa 'yo ganado sana lagi tayong ganto kasi ikaw ang
Aking tahana na lagi nang nandyan at minsan kung yung trip lalakad sa kawalan
Lalaban sa lahat lalapit pa sa 'yo hahalik at hahagkan sa 'yo ay maging tapat
Ikaw lang ang nag-iisa hindi ka na mag-iisa sa paglalakbay sa mundong sawi
Pwede ba na ako ang iyong kasama ikaw na nga ba ikaw na sana
Tanong sa tala tayong dalawa talaga ang tinadhana ng langit kahit mahirap alamin alanganin
'Di na kailangang sabihin bulong na lang sa hangin mga bugton ng pag-ibig
Sigaw ng mga damdamin 'di natin alam kung saan tayo dadalhin
Yung speaker hihinaan ko nalang muna sana ganito na lang lagi ka-traffic eh no
Para marami pa tayong mapagkwentuhan wala lang
Handa kong makinig sayo walang pake kung maligaw pumunta kahit saan
Basta kasama ay ikaw hey basta kasama ay ikaw
Handa kong makinig sayo walang pake kung maligaw pumunta kahit saan
Basta kasama ay ikaw basta kasama ay ikaw