LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

pagkakataon

•

2025

pagkakataon

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Kung alam ko lang 'di na 'ko nagsayang pa
Ng oras at pagkakataon pagkakataon
Kung alam ko lang 'di ko na ipipilit pang
Itago ang nararamdaman nararamdaman

Sabihin mo lang kung ako'y mahal mo rin
At 'di ko na itatangging ikaw ay aking minimithi
Puwede bang balikan ko ang mga sandaling nasayang
Itatanim ko ang bunga ng aking damdamin
Puwede bang pagbigyan mo sana ang aking hinihiling
Tanggapin ang aking pagmamahal
Oh sana'y pagbigyan

Kung alam mo lang lagi kang nasa panaginip
At 'di ko mawari ang taglay mong kagandahan (kagandahan kagandahan)
Kung alam mo lang tanging ikaw ang panalangin
At 'di ko na maitatangging napamahal ka na sa akin

Sabihin mo lang kung ako'y mahal mo rin
At 'di ko na itatangging ikaw ay aking minimithi
Puwede bang balikan ko ang mga sandaling nasayang
Itatanim ko ang bunga ng aking damdamin
Puwede bang pagbigyan mo sana ang aking hinihiling
Tanggapin ang aking pagmamahal
Oh sana'y pagbigyan

Kung sumugal ako baka hawak ko kamay mo
Kung sumugal ako hindi bagabag ang puso
Kung sumugal ako baka meron na ngang tayo
Kung sumugal kung sumugal

Kung sumugal ako baka hawak ko kamay mo
Kung sumugal ako hindi bagabag ang puso
Kung sumugal ako baka meron na ngang tayo

Kung alam ko lang 'di na 'ko nagsayang pa
Ng oras at pagkakataon pagkakataon

WRITERS

DAVID ZION BALDIA, DAVE ANONUEVO, GAMALIEL LIM

PUBLISHERS

Lyrics © Sony/ATV Music Publishing LLC, Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other

More From This Album

Lyric cover art

pagkakataon

2025

01

pagkakataon

Liel