'Di mapupunan magsasayang ka lang ng laway
Ramdam mo rin na ika'y malaya
Nang madarama ang iyong halaga
Pakitatak sa iyong isipan
Gumawa ng paksa na ikaw lang may akda
'Di lahat ng oras kailangan may kasama
Mula sa tulog na mahimbing
Walang alon ng problema na hadlang sa mundo ng kawalan
Pakitatak sa iyong isipan
Gumawa ng paksa na ikaw lang may akda
Sabihin man nilang 'di masaya ang pag iisa
Dito matutuklasan ang tunay na ligaya
Walang ingay walang abala
Tanging ako lang ang kasama
At nawa'y matutong mahalin ang sarili
Gumawa ng paksa na ikaw lang may akda