Simula pa nung una hindi na maintindihan nararamdaman
Naging magkaibigan ngunit di umabot ng magka-ibigan
Tanggap ko yun noon kampante na ganun na lang
Sapat na nakasama kita kahit hanggang dun nalang
Para hindi na rin mahulog pa
Siguro nga napamahal na ko sayo oo
Sisigaw na lang sa hangin
Sinubukan ko naman na pigilan ang nararamdaman
Kahit mahirap lumayo at umiwas sayo
Isang ngiti isang tingin kahit boses mo na ring nakakatunaw
Hirap pa ring hindi lumapit di maiwasang tumingin
Mukha yatang ako'y nahulog na
Siguro nga napamahal na ko sayo oo
Sisigaw na lang sa hangin
Nakatingin mula sa malayo
Hinawakan ang aking kamay
Siguro nga napamahal na ko sayo oo (siguro nga napamahal na)
Di naman inaasahan (di inaasahan)
Di naman sinasadya (di naman sinasadya)
Sinubukan ko naman (sinubukan ko naman)
Na pigilan na lang (na pigilan lang)
Pero ikaw ang gusto ko (ikaw ang gusto ko)