Gusto ko ng mga bagong gadget
Kaso lang wala pa nga 'kong budget
'Di na rin ako nagwa-wallet
Hindi ko rin naman magagamit
Babayaran para walang tampuhan
Darating na ang aking sasahurin
May dalang regalo 'yung metro ko tatanggalin
'Pag paubos na 'yung pera ko na hawak ay para 'kong lalagnatin
Laro ay saka na tayo na sa kama
At bawal ang tatamarin kasi
Pambayad sa kuryente wala 'kong pera
Bayaran ng tubig wala 'kong pera
Pambayad sa renta wala 'kong pera
Wala 'kong pera wala 'kong pera
'Pag ubos na hindi na lalapitan
Ni kamusta hindi makikitaan
Eh kasi naman hindi na nga makikinabang
Gusto ko na maging bilyonaryo
Nililibot ang mundo palaging dinadayo
'Pag may pera bida sa 'kin eh hindi na bago
Walang kwenta walang pera kaya ginagago
Ooh ang saket ang hirap po mag-ipon
'Di natatapos mga gastos kaya nakakapikon
Nakagapos sa pangarap natin na daan-daang milyon
'Pag ang pera nasa harapan kadalasan ay hindi na nakakalingon
Pambayad sa kuryente wala 'kong pera
Bayaran ng tubig wala 'kong pera
Pambayad sa renta wala 'kong pera
Wala 'kong pera wala 'kong pera