LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Ang Aking Awitin

•

2014

Ngiti Ang Aking Awitin

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Minamasdan kita nang hindi mo alam
Pinapangarap 'kong ikaw ay akin
Mapupulang labi at matingkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit

Huwag ka lang titingin sa 'kin
At baka matunaw ang puso 'kong sabik

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo 'ko'y tumitigil
Para lang sa 'yo ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin ang lihim 'kong pagtingin

Minamahal kita nang 'di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati'y akala 'ko'y manhid

Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit ang mundo 'ko'y tumitigil
Ang pangalan mo sinisigaw ng puso
Sana'y madama mo rin ang lihim 'kong pagtingin

(sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling) sa iyong ngiti
Sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo 'ko'y tumitigil
Para lang sa 'yo ooh (para lang sa 'yo ang awit ng aking puso)
Sana ay mapansin mo rin
Ang lihim 'kong pagtingin
Sa iyong ngiti (sa iyong ngiti sa iyong ngiti)

WRITERS

Joel Jr Jimenez

PUBLISHERS

Lyrics © Sony/ATV Music Publishing LLC

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other

More From This Album

Lyric cover art

Ang Aking Awitin

2014

From This Artist