Mayroong kislap sa yong mga mata
Tunay mong damdamin para sa'kin
Pero ako sayo'y wala namang pagtingin
Hindi ko akalaing ganito ang madarama
Hindi ko akalaing ako'y mahuhulog nga talaga
Sinabi ko noo'y kaibigan lang kita
Hindi ko akalaing mahal na rin pala kita
Di ka sumuko at nagpatuloy pa rin
Umaasang balang araw na baka maging tayo rin
Pag-ibig nga naman di kayang pigilin
Susunod na lang sa bulong ng damdamin
Hindi ko akalaing ganito ang madarama
Hindi ko akalaing ako'y mahuhulog nga talaga
Sinabi ko noo'y kaibigan lang kita
Hindi ko akalaing mahal na rin pala kita
Sana'y pwedeng turuan ang mga puso
Ngunit pa'no kung hindi na talaga?
Bakit di na pwede kung kailan ako'y pwede na?
Nakakaaliw, nakakabaliw ang tadhana
Di ko akalaing ako'y mahuhulog sa iyo
Di ko akalaing ngayon ako ang umaasa sa tin