Kumakatok sa pinto ng aking ala-ala
'Di na dapat tumitig pa sa 'yong mga mata
Ngayon ikaw na lang ang nakikita
Ang ala-ala ko'y 'di nagbago
Sa panaginip ko ay naroon ka
At kahit na ang mundo ay mag-iba
Pag-ibig ko'y sa 'yo (pag-ibig ko'y sa 'yo)
Siguro nga'y nararapat na ika'y limutin na
Pag-ibig ko'y isang hangin na 'di mo madarama ('di mo madarama)
'Di na dapat tumitig pa sa 'yong mga mata
'Pagkat ikaw pa rin ang nakikita
Tanging pag-asa ko'y biglang naglaho
Ngunit pag-ibig ko'y di nawala
At kahit na ang mundo ay mag-iba
Pag-ibig ko'y sa 'yo (pag-ibig ko'y sa 'yo)
Kung pinagtagpo tayong dal'wa'y para sa isa't isa
At kung nasabi ko ba ang lahat noon ay may magbabago ba
Sa aking bawat paghinga dalangin ay makapiling ka
At kung ito na ang huli nais kong malaman mo na oh
Pag-ibig ko'y sa 'yo (pag-ibig ko'y sa 'yo)