Ang aking mundo ay payapa
At noon ay buo kong inakala
Nang bigla na lang ay dumating ang 'di hinantay
Nagbabalat kayong himala oh
Mga pasan ay gumaan ikaw ang tanging dahilan
Sa'yo lang napuno ng kasiguraduhan
Narito ako tapat lang at totoo
Ito ang aking liham sa pag-ibig ko
'Di hahayaan na mag-isa ka sa kahit na ano
Ikaw lang ang himpilan ng aking puso
Sa piling mo'y panatag ang buong pagkatao
Oh kay rami ng mga bagay na hindi natin maintindihan
Sa kabila ng lahat ay pilit nating binabalikan (oh-woah)
Ako'y binuo ng mabuti't masamang karanasan
Puno man ng mantsa'y tinuring karangyaan
Pagmamahal mo ay walang (oh)
Anumang pag-aabang kaya habang
Narito ako magpapagal para sa iyo
Ito ang aking liham sa pag-ibig ko
'Di hahayaan na mag-isa ka sa kahit na ano
Ikaw lang ang himpilan ng aking puso
Sa piling mo'y panatag ang buong pagkatao
Pa'no kaya kung hindi tayo nagkita
Ang buhay ko'y matatawag pa nga bang buhay
Sa layo ng bituin ang tingnan ito'y
Pagtingin sa nakaraang 'di gunitang tunay
Oh paumanhin wala ka man sa alaala ko'y
Ikaw lang ang siyang mamahalin
Habang buhay kang mamahalin
Ooh-woah ooh-woah-oh ooh-ooh woah
Ikaw lang ang siyang mamahalin
Ito ang aking liham sa pag-ibig ko
'Di hahayaan na mag-isa ka sa kahit na ano oh oh oh
Pinapangako na ang bituin ko ay para lang sa'yo
Ikaw lang ang himpilan ng aking puso
Maging sa hinaharap o nakaraaan ikaw lang at ako
Oh aking mundo woah oh-oh-oh ooh-ooh yeah