Mama kumusta na 'di na tayo lagi nagkikita
Lagi nalang kami ang nauuna
Dahil ikaw ang aking mata
Sa t'wing mundo'y nag-iiba
Ang dahilan ng aking paghinga
Ipikit ang 'yong mata tahan na
Pahinga muna ako na'ng bahala
Labis pa sa labis ang 'yong nagawa mama pahinga muna
Aking puso'y 'yong hinanda sa
Mga bagay na buhay ang may dala
Dala ko ang 'yong bawat payo
At hanggang sa dulo magkalayo man tayo
Ako'y tatayo pangako tatay ko
Sa t'wing ako'y gagapang na ang dahilan ng aking paghinga
Ipikit ang 'yong mata tahan na
Pahinga muna ako na'ng bahala
Labis pa sa labis ang 'yong nagawa papa pahinga muna
'Di ko na sasayangin pa'ng mga
Tutungo na kung sa'n naro'n ang mahalaga
At kahit na kailan pa ma'y 'di mawawala pagka't dala ko ang mapa
Sa'n man mapunta alam kung sa'n nagmula
Ipikit ang 'yong mata tahan na
Ipikit ang 'yong mata tana
Pahinga muna ako na'ng bahala
Labis pa sa labis ang 'yong nagawa ma pa pahinga muna