Ikaw ang pasalubong, sa'yo ako'y sabik
'Di na ako tututol, kung gusto mo'y halik
Matapos ang mahaba mong araw
Papagurin kita lalo, dito ka na't umibabaw
'Wag kang mahiya, 'wag mong ibulong
Malakas ang ulan, maingay ang bubong
Sabayan natin ang bilis nang pagpatak
Marka ng pag-ibig sa'tin itatatak
Tila ikaw ang gasolina ng aking makina
Tanaw ko ang iyong gandang pinakamakinang
Pero sarap nang paggising
Nakadantay ka saking bisig
Napapangiti pa kapag na-aalala
'Di magi-iba ang aking tugon
"Palangga kita” sagot ko pag nagtanong
Maliban sa mainit na adobo
Ay ikaw lang ang may toyo na aking paborito
Habang tayo'y tumatawid patungong kabila
Hawak ng 'king kanang kamay ang iyong kaliwa
Direkta sa'yo ang aking paningin
Sa'yo lang nakatitig parang mannequin
Ikaw lang ang ilaw, ako ang haligi
Lahat ng mga bagay tayong magkahalili
'Di kulang 'di sobra, ikaw ay sapat
Kaya dapat balik ko ay laging tapat
Ang minamahal ko yeah yeah