Lahat ng hapdi’y nakalimutan
Pinawi maging ang kalungkutan
Makapigil hininga na kagandahan
Uunahin ka maging kahit kanino man
Bukang-liwayway sa kalupaan
Tila abot kamay na ang kalangitan
Tunay ngang wala kang kapintasan
Kung ako’y hahayaan hindi ka na bibitawan
Oh kay tagal kang hinintay
Napagod kong puso’y sa’yo na mahihimlay
Sa tuwing tayo’y magkakatagpo
Sa’yo’y hinding hindi susuko
Hiwaga na hindi namamaalam
Biyayang tinuturing ng mangilan-ngilan
Maaari bang sa piling ko’y manahan
Natatanging kayamanang matuturing na tahanan
Oh kay tagal kang hinintay
Napagod kong puso’y sa’yo na mahihimlay
Sa tuwing tayo’y magkakatagpo
Sa’yo’y hinding hindi susuko
Sa tuwing tayo’y magkakatagpo
Sa’yo’y hinding hindi susuko