Hindi madali ang aking gagawin
Titingnan ka sa mata't aaminin
Di mo ako kailangang pilitin
Puso ko'y laging nagtitiwala
Sa kanila'y wala namang ginawa
Pero sa dulo'y masasaktan
Gusto ko na lang maging mag-isa't
Di ko inakalang ako'y magbabago pa
Ang linyang ginuhit ko'y biglang nawala
Ang guhit kong linya'y biglang nawala
Parang di ako nabigyan ng pagkakataon
Ganun na lang kung kalimutan pagkat lumipas na ang panahon
Sa dulo'y palaging masasaktan
Gusto ko na lang maging mag-isa't
Di ko inakalang ako'y magbabago pa
Ang linyang ginuhit ko'y biglang nawala
Ang guhit kong linya'y biglang nawala