Tatlong oras bago sumikat ang araw
Dumadalas-dalas ka na sa pagdalaw
Damang-dama ang kadiliman sa aking silid
Mga lamanloob sa takot nanginginig
Isang sikretong matagal kong tinago
Isang multo'y aking naging kalaguyo
Pinapasok ko sa aking tahanan
Ngayo'y nilalangaw at pinamumugaran mo
Pinagbabawal na pag-ibig 'to
Kalokohang nilalason na ang utak ko
Wasakin ang kapit sa kaluluwa
Nasasakal na'ko sa kadena
Namamagitan sa 'ti'y tapos na
Lumayas ka multo, paalam na
Kung anu-anong pumapasok sa isipan
Halo-halo, nais ko nang magpatiwakal
Multo ng nakaraan pabalik-balik
Ang puso ko ngayo'y tila bulok, napapanis na
Pinagbabawal na pag-ibig 'to
Kalokohang nilalason na ang utak ko
Wasakin ang kapit sa kaluluwa
Nasasakal na'ko sa kadena
Namamagitan sa 'ti'y tapos na
Lumayas ka multo, paalam na
Kung nakikinig ang hari sa langit
Puksain ang pagsisisi at galit
Ilibing na sa impyerno ang sumpa
Lumayas ka multo, paalam na
Maglaho ka, aking sinisinta
Wasakin ang kapit sa kaluluwa
Nasasakal na'ko sa kadena
Namamagitan sa 'ti'y tapos na
Lumayas ka multo, paalam na
Kung nakikinig ang hari sa langit
Puksain ang pagsisisi at galit
Ilibing na sa impyerno ang sumpa
Lumayas ka multo, paalam na