Kung hindi ngayon ay kailan ba
Ibibigay ang matamis mong oo
Sabihin mo ano ang gagawin
Para matawagan na ng pansin
Ang tamis ng ‘yong patingin
Bumibigay sa bawit ngiti ng labi mo
Rinig ko ang kaba nitong dibdib
‘Di ko na kaya ang mag-isa
Halika na tayo lang dal’wa
At kung kailangan pa na gumugol ng panahon
O pwede ba na mangyari na’ng araw na iyon
Pwede bang marinig ko na’ng pinakahihintay na tugon
Pwede ba pwede ba pwede ba
Pwede bang sabihin mo kung pwede ba
Ilang gabi na ring ‘di makatulong kakaisip
Palagi kang laman ng gunita
Ano bang nakain ko kagabi
Gumamela at paruparong puti
At kung alanganin pa ang lagay ng panahon
O pwede ba na mangyari na’ng araw na iyon
Pwede bang marinig ko na’ng pinakahihintay na tugon
Pwede ba pwede ba pwede ba
Kung pwede ba (makayakap ka at makapiling sa lahat ng sandali)
Pwede ba (ikaw ang maging depinisyon ng palagian kong pangngiti)
Pwede ba pwede ba pwede ba
Kung pwede ba (makayakap ka at makapiling sa lahat ng sandali)
Pwede ba (ikaw ang maging depinisyon ng palagian kong pangngiti)
Pwede ba pwede ba pwede ba