Kung maging kuto ako mamahalin kaya
At hahanap-hanapin ba kung maging hangin ako bigla
At kung magkataon man na pareho tayong dalawang
Paru parong lumilipad malaya
Ewan ko lang kung may sapat na panahon kapa para talakayin ang sagot sa
Mga paano kung na nagmula sa ibang sansinukob
Na salungat sa tibok ng puso nating dal’wa sana’y ‘di ka magsawa
Sa paulit-ulit na pagbungad ko sa umaga
Aminin mong masaya sana’y laging kasama
Kung maging libag ba ako magiging bimpo ka
Para bagay pa rin kahit anong mangyari
At kung magkataon man na pareho tayong dalawang
Paru parong lumilipad malaya
Ewan ko lang kung may sapat na panahon kapa para talakayin ang sagot sa
Mga paano kung na nagmula sa ibang sansinukob
Na salungat sa tibok ng puso nating dal’wa sana’y ‘di ka magsawa
Sa paulit-ulit na pagbungad ko sa umaga
Aminin mong masaya sana’y laging kasama
Sa hirap at sa ginhawa ohh
Sa ibang sansinukob sa ibang daigdig
Ako’y maglalagay ng bulaklak
Kay gaan mong pagmasdan at makasama ka