LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

ALON

•

2024

Kumunoy

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Sa daming iniisip ay hindi maipaliwanag ang bigat ng aking nadarama
At sa aking paglaban para bang lalo akong unti-unting hinihila pababa
Animo'y isang bomba puso kong nangangamba at ano mang oras ay puputok na
Ba-ba-ba-ba-ba-ba-ba kaya pa ba-ba-ba-ba (yeah)

Pagod na sa paglakad ang aking mga paa
'Di ko naman alam kung sa'n papunta
Ako'y nawawala na gusto ko nang mawala na
Ng lahat ng ito'y matapos na

Ginawa ko naman ang lahat pero 'di pa rin sapat
Ako'y hirap na hirap nang huminga
Ba-ba-ba-ba-ba-ba-ba
Ano pa ba-ba-ba-ba

'Di ko maintindihan tinik sa'king lalamunan
Pa'no nga ba maiibsan bigat ng aking nararamdaman
Gusto ko nang sumuko 'di na kaya ng puso
Nagdidilim na'ng paligid ko
Wala 'kong magawa nahulog na sa isang

Kumunoy ito'ng pakiramdam ng nasa kumunoy
Lalo lang lumalala pilitin ko mang lumangoy
'Di pa 'ko nakakita pero 'lam kong ito'y kumunoy
Kumunoy kumu-kumu-kumunoy

Nawawala na ang liyab at init ng aking apoy
'Di ko na alam kung pa'no ko pa nga itutuloy
'Di pa 'ko nakakita pero 'lam kong ito'y kumunoy
Kumunoy kumu-kumu-kumunoy

'Di na bago sa'kin ang pakiramdam ng nasa baba
Mabigat ang dala dahil ang puso'y bato na
At habang buhay kong papasanin
Kahit ga'no pa kalalim buntong-hinga patuloy kong ibubuga

Buga buga sige subok kong ubra
Kahit may boses pa na magsabing 'la kang kwenta
Alam kong may pag-asa liwanag ma'y wala pa
Paulit-ulit man ang pasakit akong gagawa ng himala

Patuloy akong lalangoy sa dagat ko ng luha
Gano'n-gano'n lang ano ba'ng inaakala niyo
Kahit na yurak-yurakan pa'ng pangalan ko
'Di na mababasag aking pagkatao

Matagal ko na ring iniisip 'to
Sabihin niyo nga sa'kin kung ano'ng mali ang ginawa ko
Sawang-sawa na 'to kayo na'ng panalo
Lubayan niyo na 'ko lubayan niyo na 'ko (lubayan niyo na 'ko)

'Di ko maintindihan tinik sa'king lalamunan
Pa'no nga ba maiibsan bigat ng aking nararamdaman
Gusto ko nang sumuko 'di na kaya ng puso ('di na kaya)
Nagdidilim na'ng paligid ko
Wala 'kong magawa nahulog na sa isang

Kumunoy ito'ng pakiramdam ng nasa kumunoy
Lalo lang lumalala pilitin ko mang lumangoy
'Di pa 'ko nakakita pero 'lam kong ito'y kumunoy
Kumunoy kumu-kumu-kumunoy

Nawawala na ang liyab at init ng aking apoy
'Di ko na alam kung pa'no ko pa nga itutuloy
'Di pa 'ko nakakita pero 'lam kong ito'y kumunoy
Kumunoy kumu-kumu-kumunoy

Oh-ooh-woah kinakailangan ko ng tulong mo oh
Pasensya na't nakalimutan ko
Na lagi lang kayong nariyan sa aking tabi
Pamilya kaibigan na nagmamahal nagsisilbing
Ilaw sa tuwing magulo kong mundo'y nagdidilim
Salamat oh aking ama ako'y makakaahon rin (oh)

Kumunoy tuluyan nang mawawala ang kumunoy
Kita na'ng liwanag magpatuloy lang sa paglangoy (mawawala na mawawala na)
'Di pa 'ko nakakita at alam kong ito'y kumunoy
Kumunoy kumu-kumu-kumunoy ('di ko na kailangan pang makita)

Muli't muling magliliyab at init ng aking apoy
'Di ko man alam dala ng bukas ang sagot ko hoy (hoy)
'La akong pake kung ito'y kumunoy
Kumunoy kumu-kumu-kumunoy

Salamat oh aking ama
Patuloy ang paglaban sa
Aking isipan
Napupupuno na ng kadiliman ah-ah ah

WRITERS

Joshua Daniel Nase, John Paulo Nase

PUBLISHERS

Lyrics © Sony/ATV Music Publishing LLC

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other

More From This Album

Lyric cover art

ALON

2024

01

La Luna

PABLO

02

Presyon

PABLO

03

Wala

PABLO

04

The Boy Who Cried Wolf

PABLO

05

Kumunoy

PABLO

06

Kelan

Josué, PABLO

07

Drowning in the Water

PABLO

08

Breathe (Outro)

Josue