LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

ALON

•

2024

Wala

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Lumalalim na naman ang gabi
Hudyat nito'y pamamalagi sa gunita ng pagsisisi
'Di ko maintindihan ang pighati
Siguro nga'y hindi lubos na kilala aking sarili

Ikaw ba'y may alam sa'king dinaramdam
O tulad nilang walang pakialam

Oh buwan
Ikaw nga ba'y tunay na kaibigan (oh ooh-woah)
Lulan mo lang sa'king mundo ay kalungkutan (oh ooh-woah)
Dapat ka nga bang pasalamatan
Kung kasiyaha'y sa t'wing ika'y lilisan
Gayunpaman ay

Kay tagal naghahanap sa salarin
Ni hindi sumagi sa isipang tumingin sa salamin
Wala namang magagawa pa kung 'di tanggapin
At unti-unting pilitin ang sarili ay mahalin

Ikaw lang may alam sa'king dinaramdam
Oh 'wag na 'wag kang biglang mang-iiwan

Oh buwan
Ikaw nga ba'y tunay na kaibigan (oh ooh-woah)
Lulan mo lang sa'king mundo ay kalungkutan (oh ooh-woah)
Dapat ka nga bang pasalamatan

Kung kasiyaha'y sa t'wing ika'y lilisan
Gayunpaman ay hindi ko 'to gusto
Hinding-hindi ko 'to gusto (oh)

Salamat sa presensya mo (oh-oh-oh)
Hinding-hindi ko 'to gusto
Lubayan mo nga ako

WRITERS

John Paulo Nase

PUBLISHERS

Lyrics © Sony/ATV Music Publishing LLC

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other

More From This Album

Lyric cover art

ALON

2024

01

La Luna

PABLO

02

Presyon

PABLO

03

Wala

PABLO

04

The Boy Who Cried Wolf

PABLO

05

Kumunoy

PABLO

06

Kelan

Josué, PABLO

07

Drowning in the Water

PABLO

08

Breathe (Outro)

Josue