LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Walking Distance

•

2015

Wag Kang Ganyan (feat. Yumi)

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Simple lang
Kung pwede naman
Simple lang
Kung pwede naman

Isang umaga na naman akong gumising
Nang hindi ko kayo katabi
Saka na lang namalayang tanghali na pala
Napuyat kakaisip ko kagabi
Maghapong tulala at nanghihinayang
Sa lumipas na nakaraan
Na nalason na ng iba't ibang dahilan
Hanggang sa nawalan na ng paraan

Paraan na ayusin kung sinong naguguluhan
Tayo lang ang magtutulungan
'Di ba't ayan ang turo sa atin ng iyong ina?
Ba't na tayo nagtuturuan?
Kung sino bang dapat managot
Sa lahat ng ito at umako ng sisi
Kahit na mabulag, mabingi't, mapipi
Sige ako na, gano'n lamang kasimple
Alam ko na hindi gano'n kadali
Pero alam ko naman na pwede mangyari
Kung dalawa tayong lalaban
Sabay kahit sablay ko'y napakarami
Subalit ngayon ang kapit mo d'yan
Masyado nang nahigpitan
Pinaliwanag ko na ang lahat
Wala ka pa din atang naintindihan

'Wag kang ganiyan
Dahil hindi ka naman ganito
Pilit kong pinaunawa sa iyo
Pero mas pinili mo na malito
'Wag kang ganiyan
Dahil hindi ka naman ganito
Pilit kong pinaunawa sa iyo
Pero mas pinili mo na malito

Simple lang naman ang nais kong sabihin sa puso mo't isipan
'Wag mo muna akong sabayan kung pwede
'Di lang tayo magkakarinigan
Kung pwede naman, pwede na 'yan
Sapat na ang mga pagkakamali
Ang akin lang naman sana ay

Madaling araw na namang naalimpungatan
Hirap makatulog ulit
Ayaw mapanaginipan ang pangit na mukha
Na nakikita sa pagpikit
Sayang lang at 'di mo naunawaan
Ang mga nais iparinig
Ang bulong ng puso ko sa gitna ng ingay
Ng mga nagsisigawang bibig

Natin na ayaw patalo subalit sa dulo panalo ka pa
Kung alam mong nasa katwiran ka pa
Para gumanyan sa'kin, masyado ka na
Kalooban ko ay ibinaba
Habang paningin mo'y nakatingala
Malabong makita mo 'to
Bale merong pag-asa man sa'kin ay balewala
Kaya nga heto na tayo sa puntong hindi ko hinangad
Sapagkat ikaw lang siyang kong lakas at kahinaan
'Di ko inasahang sagad mo lahat na ipapadama
Lahat ng mga sakit na dapat kong maramdaman
Dahil ang tama at mali'y 'di na umiiral pa sa'ting mga karapatan

'Wag kang ganiyan
Dahil hindi ka naman ganito
Pilit kong pinaunawa sa iyo
Pero mas pinili mo na malito
'Wag kang ganiyan
Dahil hindi ka naman ganito
Pilit kong pinaunawa sa iyo
Pero mas pinili mo na malito

Simple lang naman ang nais kong sabihin sa puso mo't isipan
'Wag mo na muna akong sabayan kung pwede
'Di lang tayo magkakarinigan
Kung pwede naman, pwede na 'yan
Sapat na ang mga pagkakamali
Ang akin lang naman sana ay

'Wag mong hayaan na mawala lang basta ang ating pagmamahalan
'Di na ba mahalaga sa'yo ang lahat ng ating mga pinagdaanan?
Makinig ka sa'kin at aayusin natin ang lahat-lahat
Pwede bang 'wag kang ganyan? Pwede bang 'wag kang ganyan?

Makinig ka naman dahil para sumagot sa akin lalo kung hindi patanong
Ang aking sinasabi dito sa larong sino man ang mataya, balagong
Alam kong kahit na pangunahan ka pa ay wala, huli na 'ko pagkat
Minanipula mo ang aking kapalaran hanggang sa maging kumplikado lahat
Masakit man at 'yun ang totoo 'di man maipagtapat
Ang mga rason at batayan na alam mong sa'tin ay 'di pa sapat
Para kinabukasan ay maisara 'yung kahapon nang mag-iba ka
Na parang aswang sa ilalim ng buwan na bilog, halos 'di na kita kilala
Binigay ko ang lahat sa'yo kahit kapalit sa'kin ay halos wala
Kasi mahal kita, gusto mo pa ba na ako'y masiraan? Umayos ka nga

'Wag kang ganiyan, ('wag kang ganiyan)
Dahil hindi ka naman ganito
Pilit kong pinaunawa sa iyo
Pero mas pinili mo na malito

Simple lang naman ang nais kong sabihin sa puso mo't isipan
'Wag mo na muna akong sabayan kung pwede
'Di lang tayo magkakarinigan
Kung pwede naman, (pwede na 'yan)
Sapat na ang mga pagkakamali
Ang akin lang naman sana
Ay marinig ang aking tinig na nagsasabing mahal kita
'Wag kang ganiyan ('wag kang ganiyan, 'wag kang ganiyan)

WRITERS

BRYAN LAO

PUBLISHERS

Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other

More From This Album

Lyric cover art

Walking Distance

2015

01

Blankong Papel (feat. Aya)

Aya, Smugglaz

02

Magandang Umaga (feat. Jhon Quizon)

Jhon Quizon, Smugglaz

03

Sikreto Lang

Smugglaz

04

Laban Sa Lahat (feat. Hazel Faith)

Hazel Faith Dela Cruz, Smugglaz

05

N.N. N. (Ngayon Nauna Na)

Smugglaz

06

Wag Kang Ganyan (feat. Yumi)

Smugglaz, Yumi

07

Muling Mang Harana (feat. Curse One)

Curse One, Smugglaz

08

Nakakamiss

Curse One, Dello, Flict G, Smugglaz

09

Resbakkk

Smugglaz

10

Walking Distance

Ashley Gosiengfiao, Smugglaz

11

Alay Lakad (Kahit Pano)

Smugglaz

12

PML

Smugglaz

13

Muling Mang Harana Part II (feat. Curse One)

Curse One, Smugglaz

14

Aming Hakbang (feat. Hiphop22)

Smugglaz

LyricIQ Analysis

Top Emotion

Sadness

Sentiment
Thumbsup Icon
Theme

None

From This Artist