Pangarap ko na nung maliit pa ako kung sino ako paglaki
Kaya nagbilang pa ako ng ilang umaga at gabi
Bago ako umabot sa'king tinatapakang aking
Pinagdaanan ay hindi naging madali kasi
Tila simputik ng divisoria ang guhit ng aking istorya
Sa ginampanan kong papel na bumago sa'king pagkatao
Bawat hakbang sa daan parang hagdan-hagdang palayan
Unting nilaman ang sanhing naging bunga ng maraming pagbabago
Nangapa ako sa dilim kung san halos pikit mata
Ako na namulat sa makabulag na mundong dikit na sa
Kung san ko sinimulan ang mga ipinagpatuloy
Hanggang sa buong mundo sa bawat kordo ng mic mapadaloy
Ang pagkadugong Tondo saking ugat
Ay isa lang naman sa'king mga hangad na ang katuparan
Sana'y makasalubong sa paglalakad
Naglakbay taglay ang talento niyang bigay
Nagpakapasaway kung saan tahimik nag-ingay
Ako hanggang makilalang taga samin na gawing pambato
Na umalis nawala naglayas naggala
Hanggang sa maging panday bladaw
Sige lakad lang kahit lang mag-isa
'Wag mong sabayan ang alon
Salungatin anumang dumating
Basta 'wag hihinto sa lakad
Kahit aking uliting ukitin muli mga guhit ko sa palad
Makulay man ang mundo ginawa ko lang puti't itim
Ang pagtingin ko nang mapansin ko ang liwanag at dilim
Sa bawat anggulo ng buhay
'Di man maexplika ang larawan ng kinabukasan
At leksyon na nakatago sa mga naranasan ko
Masama't mabuting magkahalo naligaw na ako
Nawala hanggang natutong lumugar
Pati patong tumaya di man marunong sumugal
Mas nilakihan pa ang mga paghakbang
Tungo sa katuparan sa daan kahit pa na maraming hadlang sa'king kinamulatang
Lakaran ay hindi pa din nawalan ng gana
O nawalan ng pag-asa na sana madala ng tsamba
Ang tsansa na magising sa panaginip na aking dala
Bago natutunang lumakad tumayo sa'kin sariling paa
Kahit na natapilok natisod nadapa
Ay pinahawakan ang makatungtong ng tugatog nang walang tinatapakan na iba
Sige lakad lang kahit lang mag-isa
'Wag mong sabayan ang alon
Salungatin anumang dumating
Basta 'wag hihinto sa lakad
Kahit aking uliting ukitin muli mga guhit ko sa palad
Sige lakad lang (lakad lakad lakad lakad)
Sige lang lakad (pap pap pap pap pararap)
'Wag kang titigil wag papara
Uhm pap pap pap pap pararap
Hanggang mapaloob na ako sa mga naging
Tugon ng mga dalangin ko noon
Nakuha na makuntento ngunit hindi nakampante
Kaya bilang pang kunswelo patuloy akong umabante pagka
Simula palang ng tunay na laro
Nakabwelo na ako kung kailangan mang mamuhay ng palayo
Titiyaking may pupuntahan ang iiwan kong yapak
Nasusundan ng balang araw sa'kin ng aking anak
Mga pintuang pinasukan bubong na sinilungan
Mga taong tinulungan ako sa gitna ng ulan
Ang pasasalamat ko ay ituring niyong bahaghari
Na magdudugtong sa patutunguhan ko sa'king pinagmulan
At sa mga duda sa'kin na pinatunayan na walang bida sa pelikulang
Ano mang layo ng mga pangarap ko sa buhay
Ang daan papunta dun ay para sakin walking distance lang