Ito yung text niya sa 'kin eh
Sabi niya tabi ng blue na gate lagpas ng tindahan tapos kulay brown yung pinto
Ay ito na kakatukin ko na ah
Wala nang balak magpalit wala nang bawian
Ang iwanan ka'y 'di ko mahanapan ng dahilan
Gusto ko dito ka na lang (dito ka na lang)
Ikaw lang naman ang kailangan

'Di man na usong mangharana pang muli (mangharana pang muli)
At yung ligaw naman daw ay kayang magawa na sa net mauwi
Pangit din 'di ba yung madali
Yung oo ng hindi man lang nagagawang
Nandito na 'ko sa labas ng bahay n'yo
Ilang kanto na nga din yung dinaan kong nakaaway ko okay lang basta pakay ko
Magmano sa tatay mo makapagbigay ng magandang bati din sa nanay mo
Eh 'di kapalan muka ko na lang
Basta yung ginawa ko ay wala nang halong
Anghang kaya magbago man ang
Kung pa'no kita minahal nung una pa lang
Sa puso ko na wala nang gustong mailaman
Kundi ikaw dahil ikaw yung tipo ng babaeng 'di na dapat mapalitan
Sa'n mang anggulo mo tignan
Ang sarap talagang masdan
Masaya ka sa piling ko at
'Di ko rin makitaan ng kapaguran
Wala nang balak magpalit wala nang bawian
Ang iwanan ka'y 'di ko mahanapan ng dahilan
Gusto ko dito ka na lang (dito ka na lang)
Ikaw lang naman ang kailangan
Wala nang balak magpalit wala nang bawian
Ang iwanan ka'y 'di ko mahanapan ng dahilan
Gusto ko dito ka na lang (dito ka na lang)
Ikaw lang naman ang kailangan
Lagi na lang akong napapangiti
Buti na lang sa 'kin 'di ka humindi
Mula nung sa 'yo na nga ako mapunta
Kakaiba agad ang nadarama
Dito ka na lang para 'di na kita ma-miss
Alam mo namang sa akin ka
Naranasan ko 'yan nung nakaraan
'Di mag-iisip ng kung ano mang dahilan
Papakita ang 'yong halaga
Kahit na minsan ay masungit ka
Gusto ko pa rin na sa akin ka
Wala nang balak magpalit wala nang bawian
Ang iwanan ka'y 'di ko mahanapan ng dahilan
Gusto ko dito ka na lang (dito ka na lang)
Ikaw lang naman ang kailangan
Wala nang balak magpalit wala nang bawian
Ang iwanan ka'y 'di ko mahanapan ng dahilan
Gusto ko dito ka na lang (dito ka na lang)
Ikaw lang naman ang kailangan
Hanggang kailan kaya ako mag-iisa
Ang hirap ng masanay nang wala ka pa
At kung pwede nga lang sana
Gusto na kitang yakapin at makasama
Hanggang sa panaginip na lang nakakasawa
Nami-miss ko ding makita ka na tumatawa
Isipin ka wala na ring hangganan
Ikaw lang din kasi aking kailangan
Pangakong 'di kita papabayaan (di papabayaan)
Ayoko sanang mangyari na puro lamang salita
Dito ka lang sa akin kasi mahal kita
Wala nang balak magpalit wala nang bawian
Ang iwanan ka'y 'di ko mahanapan ng dahilan
Gusto ko dito ka na lang (dito ka na lang)
Ikaw lang naman ang kailangan
Wala nang balak magpalit wala nang bawian
Ang iwanan ka'y 'di ko mahanapan ng dahilan
Gusto ko dito ka na lang (dito ka na lang)
Ikaw lang naman ang kailangan
Hindi ko magawang basta na talikuran ka
Kasi gustong malaman mong kaluguran da ka
Sana mas mapalapit pa lalo at mahatid kita
Hanggang sa susunod na magkalakad ka
Yun lang aking hiling gusto kong mapasakin ka
Napagtantong walang iba na hahanapin pa
Kasi ikaw lang ang nag-iisang kailangan ko
Para mapawi lahat ng pinaghirapan ko
Pwede mo naman sabihin sa 'kin anong dapat kong gawin
Naghihintay pa rin kung kailan mo sasagutin
Wala naman kasing nililigawang iba
Bakit kailangan makinig sa sinasabi nila
Mga wala 'yan katibayan 'wag ka muna manghinayang
Kasi wala naman akong dapat pang patunayan
Ang alam ko lang ay kung ga'no kita kamahal
Sana nga masagot ni God ang matagal ng dasal