'Di ba 'di mo na 'ko kailangan
Kung bakit biglaang nawala
'Di ka man lang nagpaalam
'Wag mo na 'kong tawagan (may mahal ka nang iba)
'Di ba 'di mo na 'ko kailangan (kaya sa iba ka napunta)
Kung bakit bigla kang nawala
'Di ka man lang nagpaalam
Bakit 'di ka man lang nagpaalam sa 'kin
Siguro nga'y ganun lang kadali sa 'yong limutin yung sa atin
Kaya ka nangati agad tapusin na yung pagsasama natin
Hindi mo man lang nagawang sumilip
Imbis lumawak pa ay mas kumitid
Na intindihin na lang na pansamantala lahat ng pinakita mong pagpapahalaga
At tinanggap ko yun (tinanggap ko yun)
Kahit na hindi pala ako yung gustong mong makapareha (makapareha)
Sana nung una pa lang ay nalaman ko na para 'di na umasang
Ikaw ay merong para sa 'kin (para sa 'kin)
Ang sakit lang na nagagawa mo pa 'kong kausapin
Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa 'kin
Pwede ba na lumayo ka nang matigil na kitang ibigin
'Wag mo na 'kong tawagan (may mahal ka nang iba)
'Di ba 'di mo na 'ko kailangan (kaya sa iba ka napunta)
Kung bakit bigla kang nawala
'Di ka man lang nagpaalam
Kaya pala hindi ka na lang nagparamdam
Kaya pala kapag tumatawag ka sa akin
'Di mo man lang ba inisip
Kung kakayanin ko sabagay
Simula noon sarili mo lang ang iniisip mo
Pero hindi ko nagawang iwanan ka
Ngayon ay kayang-kaya ko na kaya
'Wag mo na 'kong tawagan (may mahal ka nang iba)
'Di ba 'di mo na 'ko kailangan (kaya sa iba ka napunta)
Kung bakit bigla kang nawala
'Di ka man lang nagpaalam
Masaya naman nung una 'di ganito
'Di nagsasawang mag-usap wala nang paki
Kung anong oras pa huminto
Ikaw palagi kong hanap wala nang iba
Kaso ngayon parang ayaw gumising
Kasi iba na ngayon katabi mo
Bakit gano'n hindi mo man naisip
Kung ano talaga ang halaga ko
Tanging sarili mo lamang ligaya
Palagi ang mas mahalaga sa 'yo
Ginawa ko lahat ng hiniling mo
Kasi ayoko na ika'y masaktan
Para hindi ka na maghanap pa sa iba
'Wag mo na 'kong tawagan (may mahal ka nang iba)
'Di ba 'di mo na 'ko kailangan (kaya sa iba ka napunta)
Kung bakit bigla kang nawala
'Di ka man lang nagpaalam
Ikaw na sana wala nang kapalit
Panahong matamis ba't pumait
Alam kong masaya pero masakit yeah
Ba't 'di mo ba naisip kung tama ba
Mas okay lang na tapusin na