Ibibigay ko sa 'yo ang lahat ng gusto
'Wag ka mag-alinlangan sa 'kin ako'y totoo
'Di mag-aaway palagi tayong magkasundo
Saan ka man ikaw ay hahatid ko't sundo
Kung paano tayo dati (hey)
Kung paano tayo dati (hey)
Hindi talaga magbabago aaminin ko sa 'yo
Mas lalo pa 'kong napapamahal sana madama mo
Kung pa'no tayo dati ang sarap lang tanawin
Tipong 'di natin hahayaan ang isa't isa ma-seen
Pwede bang magpakilala sana 'wag ma-reject
Araw-araw hinahanap ganu'n ba ang effect
Baka pwedeng makatawag gusto kang marinig
Pa'no ba mapapapayag ako'y nasasabik
Lalo na kapag hindi mo alam
Ay para na 'ko agad hihimatayin
Kung bakit kaya 'gang ngayon minamahal pa rin
Ibibigay ko sa 'yo ang lahat ng gusto
'Wag ka mag-alinlangan sa 'kin ako'y totoo
'Di mag-aaway palagi tayong magkasundo
Saan ka man ikaw ay hahatid ko't sundo
Kung paano tayo dati (hey)
Kung paano tayo dati (hey)
Ikaw lang talaga ang pinangarap ko na makasama
Palagi nang nanabik kapag ikaw ang hinahanap
Kasi ikaw lang ang tanging nandyan para sa 'kin
Nang 'di ko rin akalain yeah
Ibibigay ko sa 'yo ang lahat ng gusto
Basta magtiwala ka lang sa 'kin
Ibibigay ko sa 'yo ang lahat ng gusto
'Wag ka mag-alinlangan sa 'kin ako'y totoo
'Di mag-aaway palagi tayong magkasundo
Saan ka man ikaw ay hahatid ko't sundo
Kung paano tayo dati (hey)
Kung paano tayo dati (hey)
Ano pa bang gusto mong matignan
Pwede naman nating puntahan
Basta para sa 'yo 'di mawawalan
Gusto kitang mapasaya at 'di mo malimutan
Ang lahat ng alaala simula pa lamang
Nang makilala ka wala nang pwede makaharang
Sa pag-iibigang pangarap ko na matagalan
Ikaw ang gusto kong mapangasawa
Makasama hanggang sa pumuti buhok at tumanda na
'Di kita pagpapalit ayan pangako
Pagmamahal ko para sa 'yo ay 'di maglalaho
Ibibigay ko sa 'yo ang lahat ng gusto
'Wag ka mag-alinlangan sa 'kin ako'y totoo
'Di mag-aaway palagi tayong magkasundo
Saan ka man ikaw ay hahatid ko't sundo
Kung paano tayo dati (hey)
Kung paano tayo dati (hey)
Halika nga dito alam mo talagang
Ang sarap naman na ika'y sa akin lang
Ilang taon man ang lumipas pangakong tayo lang
Ang magsasama kasi nga tayong dalawa ay iba
Sa kanila palagi tayong tumatawa
Sa mga araw na nalulungkot ako
Ikaw ang bumubuo at ang kailangan ko
Ibibigay ko sa 'yo ang lahat ng gusto
'Wag ka mag-alinlangan sa 'kin ako'y totoo
'Di mag-aaway palagi tayong magkasundo
Saan ka man ikaw ay hahatid ko't sundo
Kung paano tayo dati (hey)
Kung paano tayo dati (hey)