Ano man ang pinagdaanan niyo
Kinalimutan ang mga nangyari hmm
Sa katauhan ko tanaw mo ba ang bahaghari
May mga bagay na dina maari pang
Maibalik parang napanaginipan
Kinalimutan ang mga nangyari hm
Sa katauhan ko tanaw mo ba ang bahaghari
May mga bagay na dina maari pang
Maibalik parang napanaginipan
Alam mo ba na panaginip tong
Lahat-lahat ako't ikaw maging paligid mo
Sige sigaw tanaw isipin mo
Na ekspresyon ng maykapal ang nasa isip mo
Pero magwawakas din ang lahat
Lahat ng 'yong nasimulan ay may katapusan
Kailangan mo na tanggapin ito ngayon palang
Katotohanang may sundo wag kana pumalag
Wala tayong alam kung anong mangyayari
Lakas loob nalang sa salitang baka sakali
Maglakbay kahit mag-isa malaya walang tali
Sarili mo walang iba sayong nag mamay-ari
Mawawala rin pag-isipan mo
Wag ka matakot maglakbay na parang hangin
Wag ka matakot maglakbay na parang hangin
Sinagutan ko ang mga bugtong
Karanasang pasan-pasan ko ay dugtong dugtong
Sa dami ng nilampasan medyo bugbog
Narin ang lupang katawan ko sa kasusobsob
Pero lahat ay may patutunguhan
Maglalakbay ng may tiyaga walang pangungunahan
Nagpahinga saglit sa kalikasan
Ngayon muling nagbabalik dala ay kaligtasan yeah
Mahal mabuhay ka damhin ang himig
Pinagmulan ng pagkabuhay natin ay pag-ibig
Pinagtagpo tayong lahat base sa ating hilig
Pamilyar ba sayong damdamin ang dala kong tinig
May malalim na dahilan kung bakit tayo nandito ngayon (mga pasanin sa isipan mo)
Kung bakit ako nag sasalita
At nakikinig ka marahil matagal na panahon na tayong magkakilala (mawawala rin pag isipan mo)
Pinagtagpo lang tayo ulit ng mundo ngayon upang mapunan yung
Mga pagkukulang sa natin sa isa't-isa noon
Wag ka matakot maglakbay na parang hangin
Wag kang matakot maglakbay na parang hangin
Wag kang matakot maglakbay na parang hangin
Wag kang matakot maglakbay na parang hangin