LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Metamorphosis

•

2021

Sige

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Sige lumayo lakbay ang buhay aha ha (sige lumayo lakbay ang buhay)
At kung madarapa wag ka maumay aha ha (at kung madarapa wag ka maumay)
Sige lumayo lakbay ang buhay aha ha (sige lumayo lakbay ang buhay)
At kung madarapa wag ka maumay aha ha (at kung madarapa wag ka maumay)

Isipin mo palaging may pagmamahal
Na bukod tanging inaalay sa iyo ng Maykapal
Kung iintindihan lang natin ng lubos ang pagkabuhay
Edi wala na sanang nasasayang pa na buhay

Walang hayop o kaybigang magdurusa't pighati ay
Mapapawi rin agad lunasan natin ng ngiti
Pag mamahalan tangi nating kailangan
Hindi nating kailangan na magaway maglamangan

Ang maglaban ay walang patutunguhan kundi ang pagkasawi
Ng mabubuti na binhing sa puso ay nakatanim
Marami ang nagtatanong kung bakit daw ako ganto
Kapayapaan at pagmamahalan ang handog

Sagot ko lamang gusto ko lang malaman niyo
Kung gaano kalawak ang bitbit niyong kamalayan
At marahil ito lang din ang meron dito sa pinakaloob
Ng pagkatao kong minsang nilamon ng mga kutob
Ngunit nalaman ko na ang kalayaa'y
Nakasalalay lang pala sa aking kaalaman

Sige lumayo lakbay ang buhay aha ha (sige lumayo lakbay ang buhay)
At kung madarapa wag ka maumay aha ha ( at kung madarapa wag ka maumay)
Sige lumayo lakbay ang buhay aha ha (sige lumayo lakbay ang buhay)
At kung madarapa wag ka maumay aha ha (kung madarapa wag ka maumay)

Mundo ay magbabago paglipas ng panahon
Ang alaala ng kahapon sa isip nakabaon
Mananatili sa memorya ang ating nakaraan
Ngunit hinding hindi na maari pa na mabalikan
Madagdagan pa sana ng panibagong yugto
Ang pahina ng buhay natin na tila isang libro
Merong wakas may umpisa lahat ay may hangganan
Sana ay mamuhay kang malaya bago ka lumisan

Sa mundo sikapin mong lagi ang magkasundo
Ang 'yong damdamin at isipan ilayo mo sa gulo
Panatilihin mong nakaduyan ang kamalayan mo
Sa nagiisang tahanan ng iyong kamusmusan
Wag mong hayaan na galit sa isip ang mamuthawi (la la la)
Mapayapang pagkatao dapat ay bitbit mo lagi (la la la)
Bukod tangi ka na nabubuhay sa sanlibutan (la la la)
Walang katulad ang dala dala mo na pagmamahal sige (la la aha ha)

Sige lumayo lakbay ang buhay aha ha (sige lumayo lakbay ang buhay)
At kung madarapa wag ka maumay aha ha (at kung madarapa wag ka maumay)
Sige lumayo lakbay ang buhay aha ha (sige lumayo lakbay ang buhay)
At kung madarapa wag ka maumay aha ha (at kung madarapa wag ka maumay)

WRITERS

Genesis Lago

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other

More From This Album

Lyric cover art

Metamorphosis

2021

01

Sige

Guddhist Gunatita

02

Dndn

Guddhist Gunatita

03

Bahaghari

Guddhist Gunatita

04

Hiraya

Guddhist Gunatita

05

Slifu

Guddhist Gunatita

06

Diwa

Guddhist Gunatita

07

Panaginip

Guddhist Gunatita

08

Manawari

Guddhist Gunatita

09

Salamat G

Guddhist Gunatita

10

Di Na Babalik

Guddhist Gunatita

From This Artist