Gusto ko lang magpasalamat sa lahat, sapagkat
Sa libo libong tinig ako ang napili nyo na pakinggan, Upang ang damdamin gumaan
Gusto ko lang na magpasalamat sa lahat, sapagkat
Kahit na masalimuot ang pinagdaanan ko noon, Binuhay parin ng panginoon
Mahirap man mabago ang pag ihip
Ng hangin nihindi ko na pinilit
Sa pag pihit tuwing ang akin lang
Pano ka mahalin dipara angkinin
Dati kong ugale, binuga, binura dinabale
Dito na dinala ng pasubali di basta basta nag sakale
Kung sakale tanda di nakalimot nalito't mahilo sa pag ikot
Galak poot dinulot ng pag subok lumilibot lalong humuhubog
Gabay alalay 'lanang sungay
Minsan parang pakiramdam ko akoy nananaginip
Lutang sa kawalan lumilipad ang isip
Patawa tawa lang sa mga naiisip
Gusto pakawalan nadaramang pag-ibig
Aminado na hindi ganon kadali ko nalampasan, Mga suliraning nagdaan
Pero alam ko na matatapos din naman lahat lahat, Patuloy ko nalang ginampanan
Kahit naba minsan para bang hindi ko na alam kung Meron ba tong pupuntahan
Gusto ng lumisan upang ang damdamin gumaan, Upang ang damdamin gumaan
Minsan sa kulungan humantong, mga kabiguan humadlang
Mga kaibigan kapit lang, salamat sa umalalay sa hagdan
Puro kabiguan, buti nalang diko sinukuan
nagsilbi na aral kamalian panibagong buhay ngayon sa kasalukuyan
Minsan parang pakiramdam ko akoy nananaginip
lutang sa kawalan lumilipad ang isip
Patawa tawa lang sa mga naiisip
gusto pakawalan nadaramang pag-ibig